NagmaMalaking Filpina (Malu Fernandez)

Panibagong pag-asa at bagong bayani sila kung tawagin, sila ang mga OFW. Pero bakit sa ilang tao na hindi sila kilala at hindi alam ang kanilang dinadala sa ating bansa ay ganun na lamang silang hamakin. Ang pag-alipusta sa kanilang katayuan at kanilang  kinalalagyan ay isang kamangmangan. Kung ikaw man ay nakakaangat sa kanila o may mataas na katayuan hindi ibig sabihin at may karapatan kang manghamak ng tao lalo ng kapwa mo Filipino.

Isang nagngangalang Malu Fernandez ang nang ahas na nagsulat ng karanasan nya sa pagpunta ng Greece. Ang kabuoang artikulo ay mababasa dito . Bahala na kayo kung ano ang magiging reaksyon nyo sa kanyang sinulat.

  • "The hub was in Dubai and the majority of OFWs (Overseas Filipino workers) were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them. Of course, everyone in economy class was yelled at for having overweight hand-carries. Mine was 17 kg (ssshhhh!). That was all makeup and accessories I would never risk losing if my luggage ended up in the middle of the Sahara Desert."
  • "While I was on the plane (where the seats were so small i had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yellowing of "HOY! Kumusta ka na? At taga saan ka? Domestic helper ka rin ba?" Translation: "Hey there? Where are you from? Are you a domestic helper as well?" I thought I had died and God had sent me to my very own private hell.

Marami ng naging saloobin at nasabi sa kanya mga naisulat, marami na ring nasaktan. Maaari sa kanya ito'y isa lamang katuwaan. Pero sa bandang huli sino din ang nawalan?

Narito pa ang ibang web blog na natutukoy sa kanya.
www.tingog.com
Nomadic Thoughts
OPEN LETTER TO MALU FERNANDEZ

                            

Search Engine Optimization

It's been two years already since i have decided to transfer to a new company. I thought it was just the same old things doing a website for this company. But I was wrong. Yes indeed I still work on designing the pages, but the thing is, it's an e-commerce website.  I know how to design, but do I know how e-commerce websites works? The good thing about working on I.T is that theres a lot of resources you can found over the internet.  I was asked by our boss if I can really make a website from scratch and be seen on the internet? And of course I answered Yes. I was challenged by this new position I'm in right now. But I know I got a lot of confidence that I can make it. Through web resources and forums like SEO Philippines , the google.com  and other websites that i pass through when researching, It helped me so much in conquering this new task. With books and help of a friend (JOYCE A.) I'm really learning a lot right now.  SEO is a continues learning process, every now and then there's new technology on how to improve your websites in a search engines. So I never stop surfing the net for the new technology. There's still a lot of things to learn and new techniques to master. I just hope I can contribute well on SEO for our company and for also for others to help.

Kulang sa pansin or Nagapapapansin?

Marami tayong nakikilalang tao at nakakasalamuha.May iba't ibang ugali at may iba't ibang pananaw. Maaaring hindi tayo nagkakaparehas sa ating mga nasasabi at naiisip, pero hindi ibig sabihin may karapatan na silang magmalaki o itaas ang kanilang mga sarili kung ano man ang kanilang nalalaman.

May mga bagay na minsan hindi natin maintindahan sa mundong ito, may mga bagay na nagdadala sa atin pataas o may mga taong gusto naman tayong ibaba.

Kilala mo man ako sa aking pangalan, pero hindi ibig sabihin kilala mo na ang aking katauhan. Huwag mong ipagmamalaki sa akin at ipamukha na may mas alam ka sa akin kasi hindi mo naman ako kialala ng lubusan. Maaring ngayon nasa taas ka ngunit darating din ang araw na bababa ka. Marunong akong gumalang at marunong din akong mangbastos. Kung pano ang trato mo sa akin ganun din ang itrato ko sa iyo. Maaring sa una pwede ko pang pagbigyan ang kagaspangan ng iyong pag uugali, pero pagnaputol na ang pisi huwag mo ng asahan ang magandang samahan.

Maaring noong bata ka pa, ikaw ang parating naaapi at ngayon ikaw naman ang gumaganti. Hindi ko alam kung pano ka napalaki ng iyong mga magulang. Pero hindi ako manghuhusga sa kanila kung ano ka man ngayon.

May pagkakataon na kaya ko pang palampasin ang masama mong ugali na maaaring sa iyo ito ay kasiyahan. Nawa ay patawarin ka ng mga tao mong nabiktima at ng Diyos na nasa taas sa iyo ay huhusga.

Kulang ka ba sa pansin o nagpapapansin? Ang sagot sa katanungan na ito ikaw lang ang makakapagsabi.

Ugaling Pinoy?!. - Part 2

Ang pangalawang kabanata ng ugaling pinoy.

Sa isang hotel sa Makati. Gaya ng sabi ko sa unang kabanata bago kami pumunta ng aming trabaho ay nag uumagahan kami sa hotel na aming tinutuluyan. Madalas na din kaming nakatigil at naging panauhin sa hotel na ito. Kung kayat halos kilala na namin ang mga mukha ng mga nag aasikaso sa umagahan, pero syempre sa dami ng taong lagi nilang nakikita ay hindi na din nila minsan matandaan kung sino na ang matagal at bago lamang sa hotel na yun.

Isang umaga, naisipan ng aking kasama na maggawa ng eksperimento. Kung gusto daw naming makilala kami ng mga tao sa nag aasikaso sa umagahan ay tingnan ko daw kung ano ang gagawin nya.Noong mga dati pa naming pagpunta as hotel na ito may napansin kaming isang lamesa na hindi pinauupuan kanino man, kungdi sa mga tao lamang na kilala nung isang nagseserve sa mga lamesa. Sa pagpasok namin sa kainan ng umagahan, ay agad kaming binati ng babaeng nasa pintuan at dinala kami sa aming lamesa. Nasambit ng aking kasama, "gusto mo ba bukas doon na tayo nakaupo?", ang sagot ko,"at pano mo naman gagawin yun?", manuod ka lang at sigurado bukas nakaupo na tayo sa lamesang yaon. Dati pa kaming may nakilala na nag aasikaso sa umagahan na yaon. Isa itong ilokano, at tama naman na ilokano din ang kasama ko. Nag uusap sila ng ilokano, pero syempre yung tipong pakonti konti lang kasi sino ba naman kami para kausapin ng matagal. Pero ang lahat ng ito ay magbabago, pagkatapos naming mag umagahan ay tinawag ng aking kasama yaong taong nakilala nya na nag aasikaso sa umagahan. Nagpaalam siya at sabay abot sa isang kamay ng kung ano man ito ay hindi ko nakita. Hindi na ako nag usisa at nagpatuloy na lamang lumabas. Ng sumunod na umaga, gaya pa din ng dati, pumunta kami sa pintuan at binati kami ng isang babaeng naroroon. Pero! yung taong aming nakilala ay nakita kami at kaagad kaming sinalubong ng may mga ngiti sa kanyang mga labi. At sya na mismo ang naghatid sa aming lamesa, pero san kaming lamesa nito dadalhin? Sumunod lamang kami sa kanya, at ako ay nagulat. Sa lamesang ito kami dinala, kung saan walang nakakaupo kundi ang mga taong kilala lamang (special guest). Naitanong ko sa aking kasama "ano ang ginawa mo?", sabi nya "pera lang ang katapat nyan". Noong umagang yaon, panay kwento sa amin ng isang taong ito na nag aasikaso. At dinalhan pa kami ng mga prutas, na kadalasan ay nauubos sa hapag kainan nila at minsan at wala kaming nakukuha. Pabalikbalik sya sa amin at panay tanong kumusta naman daw ang aming umagahan. Hangang sa makatapos kami sya ang nasa aming tabi at hinatid pa hanggang sa labas.

Ibang klase talaga ang nagagawa ng PERA. Kung dati hindi ka kilala, ngayon naman ay para ka naman nilang kaibigan. Ito na nga ba ang ugaling pinoy? O ito at natural na ugali ng isang tao kahit san man sa mundo? Pangit mang isipin pero talagang nangyayari ito. Pera lang ang katapat!

Ugaling Pinoy?!.

Narito na naman ako upang magkwento sa inyo ng aking naranasan at napansin sa mga taong mga nakapaligid at aking nakasalamuha. Ugaling pinoy, siguro naman ay nabalitaan nyo ang pangyayari naganap noong nakaraang taon kung saan kasangkot ang anak ng ating pangulo na si Luli at isang opisyal ng immigration sa airport. Gaya nya ako din ay nakaranas ng ganung pangyayari. Naganap ang lahat sa isang 5 star hotel sa Malate.Isang umaga, bago ako at ang aking kasama pumunta sa aming mga trabaho ay nag uumagahan kami sa hotel na aming tinutuluyan. Sa elevator na aming sinasakyan laman kaming dalawang pinoy at ang iba ay ibang lahi (amerikano at europian). Ako ang naunang lumabas patungo sa aming agahan. Pero bago makapasok ay kailangan munang maghintay upang mabigyan ng upuan ng mga taong namamahala at nag-aayos (Butler at Manager). Sa aking pagpunta napansin kong kahit na ako ang nasa unahan ng pila, ay bigla na lamang akong nilampasan ng manager at diretsong nagpunta sa mga dayuhan na nasa likod ko at sabay bati ng Good Morning Sir (Magandang Umaga). At bigla na lamang nilampasan ako ng mga ito at sila ang dumaretso sa loob. Sa aking pagtataka, sinabihan ko ang aking kasama na bakit ganun ang ginawa nila sa atin? Kamo't tayo ay Filipino lamang at mga dayuhan ang nakasabay natin, parang hindi tayo bisita din sa kanila hotel? Sumama man ang aking loob ng oras na yun ay wala akong magawa kundi magsabi na lang sa aking kasama na hindi nagdalawang isip na pagsabihan ang mga taong nandun. Lalo na yung taong nagtrato at nagpakita ng ganung ugali. Dahil kami ay matagal na ding bisita sa hotel na yun, ipinatawag ng aking kasama ang manager (yung nagbale wala sa amin) at pinag explain sa aming harapan ng oras din yun. At akalain nyo panay tangi pa nung manager. Tama ba naman yun ganun ugali. Ibang klase talaga ang mga pinoy ngayon. Sa bandang huli ang humingi na din ng paumanhin sa amin yung manager at hindi na daw yun mauulit. Eh pano kung sa amin hindi nya uulitin pano kung sa iba nya pa gawin? Ewan ko ba, parang hindi na ata maalis sa ugali natin yung mga ganun bagay. Kamo't dayuhan,yun agad ang kanilang inuna. Hoy, pinoy ka din at pinoy ako. Tama ba yang pag uugali mo.

May kasunod pa itong kwento kong ito, pero sa susunod na lang ng issue ulit.
So abangan ang susunod na kabanata!

Eleksyon na NAMAN!

Narito na naman tayo sa paghalal sa mga taong mamumuno sa ating bayan. Panahon na naman ang eleksyon. May pagbabago kaya ngayon? O ganun pa din ang kahihinatnan ng ating pagboto?

Sabi nila VOTE wisely. Tamang pagboto sa tamang tao. Ang tanong ko lang, may tama ba talagang tao o lahat ng tatakbo ngayon ay talagang makatao? Hindi naman sa nawawalan ako ng pag-asa, pero sa dami ng taon pagboto ko, tila walang nagbabago sa mga taong nasa posisyon. Lahat sila gusto ng kapangyarihan. Pagkatapos mo silang iboto, parang bale wala ka na sa kanila kapag nakaupo na sila sa posisyon. Hindi nila alam o talagang nagbubulagbulagan lang sila na ang nagluklok sa kanila sa itaas ay ang taong bayan, kaya dapat lang sa taong bayan sila mag serbisyo at hindi sa iilang tao lamang na gumagamit sa kanila. Ewan ko ba, dati sabi ni ERAP , walang kaibi-kaibigan, walang kamag-a-kamag-anak pero sa bandang huli mga kaibigan at kamag anak pa din ang nanguna sa serbisyo nya,kaya ayun napatalsik sa kinatatauyuan nya. Ngayon si Gloria ganun din, daming kinasangkutang aberya dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya at gawa na din nya.

Pilipinas, kailan at sino kaya ang makakapagbago sa iyo. Gaya pa din ng dati, gaya nyo, ako ay umaasa pa din ng maging maayos ang eleksyon ngayong taon na ito at mailulok ang taong karapat dapat. Sanay wala ng dugo na dadanak at mga pandaraya na sisibol upang ang isang politiko ang manalo.

Umangat ka Pilipinas, maging maunlad ka para sa mga taong umaasa sa iyo.

Laro Na!

Tagal ko na ding hindi na popost dito sa blog ko. Kaya eto ngayon ako nagbabalik upang ilahad ang panibagong palakasan na aking nahihiligan. Ang larong badminton, matagal ko na din naiisipang maglaro ng isport na ito pero sa hindi ko mapaliawanag na kadahilanan ay hindi ako nakapaglaro ng isport na ito. Pero sa ngayon ay nahuhumaling akong maglaro nito. Oo lahat ng isport ay nakapagod pero ibang klase tong badminton talagang tutulo ang pawis mo pag naglaro ka ng tuloy tuloy. Dalawang beses sa isang linggo ako kung maglaro, pero nakakalimang beses pa lang ako eh talaga naman sulit. Nakakaalis ng pagod sa trabaho pero ibang pagod naman ang mararamdaman mo pagtapos mong maglaro ng isport na ito, siguradong pagdating mo ng bahay eh tulog ka. Ay naku sarap talaga maglaro ang nakakapagpaginhawa pa ng pakiramdam mo. Kaya tara na laro na!

Bala at buhay!

Disyembre buwan ng kapanakan ng ating mahal na panginoong si Kristo. Buwan ng kasiyahan at kagalakan, at ang damdamin ng bawat isa ay masaya sa oras na ito. Pero pano kung isang pangyayari na tulad ng pagkitil sa buhay ng iyong minamahal ay nangyari sa buwan na ito, ano pa ang mararamdaman mo?

Isang nakakagulat na pangyayari ang naganap noong Disyembre 20 bandang ala una ng umaga (madaling araw) ang gumising sa akin at iba pang kasambahay at kapitbahay. Ang aking ina ay ginigising ako para sabihin na ang aming bunsong kapatid ay nabaril kasama ng dalawa pang kaibigan nito sa kalapit na lugar sa amin. Nagmadali akong gumising, sabi sa amin ay dumiretso na lang daw kami sa hospital kasi nandun na daw ang mga nabaril. Kaya kasama ng aking nakakatandang kapatid na lalaki, kami ay nagtungo papuntang hospital (UMC-LaSalle) upang malaman ang kalagayan ng aming kapatid at mga kasama nya. At doon nga, sa loob ng emergency room , hinanap ko kaagad ang aking kapatid upang malaman ang kalagayan nya at matanong kung ano ang nangyari, sa pagkakataong ito ay hindi pa namin alam kung san ang tama nya at ano ang lagay. Ngunit ng makita ko syang nasa ulirat naman ay nakahinga ako ng maluwag, may tama man sa ulo ay hindi naman daw delikado ito kasi hindi bumaon sa kanyang bungo ang bala.Ang isa nyang kasama ay may tama sa dibdib, at kailangan ng masusing paggagamot. Sa kabilang bahagi ng emergency room ay natanaw ko ang isa pang kasama nya. Walang buhay at kahit anong gawin pa ng mga doctor at nurse na nandoon ay wala na talaga silang magawa. Ilang minuto din nilang ginawan ng paraan upang masagip ang buhay ng isa sa mga biktima. Nanghina ako at nanginig sa aking nasaksihan, wala na, patay na ang isa sa mga kasama ng kapatid ko. Wala akong nagawa kundi itawag na lang sa Diyos ang mga pangyayari.

Ano ba talaga ang naganap ng oras na yun? Ito ang nasambit kong tanong sa aking kapatid, may tama man ng bala sa ulo, pero nakakapagkwento pa naman. At ito ang kanyang nasabi ng mga oras ng nasa emergency room sya. Bandang ala una ng madaling araw, nag iinuman sila ng dalawa pa nyang mga kaibigan, nang may grupo ng mga kalalakihan ang dumaan sa labas ng gate ng tindahan ng kanilang iniinuman, isang lalaki ang bumili ng sigarilyo, at ng iabot na ng tindero ang sigarilyo ay biglang may tatlong lalaki ang pumasok sa gate at bumunot ng baril. Palibhasa nakaharap sya sa gate ng tindahan ay nakita nya ito agad at nasambit na lang ang katagang "TAKBO" at ng pagtakbo nya, sya ang unang binaril at tinamaan sya sa ulo. Pumasok sya sa loob ng bahay ng may ari ng tinadahan, ngunit hinabol pa din sya, buti na lang at ng pangalawang putok sa kanya ng baril ay nakadapa sya at naisara ang pinto. Ngunit at dalawa nyang kaibigan ay naiwan sa labas. At dun nya na lang narinig ang mga sunod sunod na putok. At nagsisigaw na lamang ang tao sa tindahan ang pangalan ng isa naiwan sa labas. Makalipas ng ilang segundo ay natapos ang pamamaril at dun na lamang lumabas ang aking kapatid upang tingnan ang lagay ng dalawa nyang kasama. At pagbukas ng pinto ay nakita nya ang isa nyang kaibigan na naglalakad ngunit may tama sa kaliwang dibdib, ngunit napaluhod na lamang ito sa kanyang tapat at habang papunta sila sa isa pa nilang kasama na naririnig nilang naghahabol ng hininga. Ilan pang minuto ang nakalipas ay sa samang palad ang sasakyan na nakuha nila ay matagal mag start, hangang magdatingan pa ang ilan pang mga tao sa paligid at kahit ang ama ng lalaking naghihingalo ay inabutan pa nya ang kanyang anak na nakaratay at wala ng buhay. Noong ding oras na yun, nawalan na ng hininga ang isa sa mga magkakaibigan, habang ang dalawa naman ay may malubhang tama.

Ang malaking tanong na pinag iisipan ngayon ay kung sino ang may gawa ng ganitong karumaldumal na krimen. Para silang mga walang awa pumapatay, isang bala para sa isang buhay.

Sa buwan ng pagsasaya pano mo nga ba matatangap ang isang pangyayaring ganito? Lubhang masakit sa pamilya ng nawalan, habang ang mga kriminal na hangang ngayon ay hindi pa natutukoy ay maaaring nagsasaya na dahil sa kanilang nagawang kagustuhan. Ipinapasa Diyos na lang namin, kung sino man ang may kagagawan nito ay untigin sana kayo ng inyong kunsensya kung meron pang natitira sa inyo!

Pinoy Ako.

Pinoy ako pinoy tayo, ipakita sa mundo, kung ano ang kaya mo.
Eto ang isang linya na makikita mo sa isang kanta. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mga katagang ito?

May kwento ako, madalas kapag umuuwi ako sa amin wala na akong ginagawa at lalo na pag araw ng sabado at linggo(araw ng pahinga), lalo na sa gabi, kaya ang ginagawa ko ay nagpupunta ako sa sinehan at dun ko na lang nagpapatay ng oras. Isang beses, nanuod ako ng sine at nagkataon na last full show na ito. Pero hindi naman karamihan ang tao, kaya mas maganda, kasi pwede kahit saan ako pwedeng maupo. Pero kung mapapansin nyo,tuwing huling palabas ng sine ay doon pinapatugtog ang Pambansang awit ng atin bansa ang "Lupang Hinirang", ano ba ang itinuro sa atin noong bata pa tayo sa eskwelahan, kapag tinugtog ito, tayo ay tatayo para magbigay pugay sa awiting ito. Syempre, dahil pinoy ako, tumayo ako, dahil naintriga ako kung ano ginagawa ng iba pang mga tao na nasa loob ng sinehan sa oras na iyun, ako ay napalingon sa bandang itaas ng kanan ko, at dun ko nakita na ang isang pares ng magkasintahan, yung lalaki ay nakaupo habang ang babae naman eh nakatayo, sa bandang likod ko naman may isa pang grupo na ganun din ang asal , sila ay nakaupo din habang tinutugtog ang pambansang awit. Wala akong magawa, kundi umiling na lang at tinapos ang Lupang Hinirang. At eto, hindi pa dyan nagtatapos ang kwento ko, nang manuod muli ako ng sine na last full show ay naganap na naman ang pangyayaring ito. Tinugtog ang pambansang awit ang mga kalalakihang nasa harapan ay hindi din tumayo kundi nagkwentuhan pa, nagsalita ang isa, "tatayo sana ako kaso tinatamad ako". Tanong ko lang, ito ba ang matatawag mong PINOY? Nasan na ang mga tinatawag na PINOY AKO, tapos kung ibang lahi pa ang makakita ng ganitong gawain, hindi ba nakakahiya naman ito. Ang simpleng pagtayo at paggalang sa pambansang awitin ay hindi pa natin magawa, ito na ba ang bagong pinoy ngayon? Sana naman hindi.

Nagtatanong lang po at nagtataka. PINOY AKO, bago mo sambitin ito, tingnan mo muna ang sarili mo kung talagang isang ugaling pinoy meron ka.