« Laro Na! | Main | Ugaling Pinoy?!. »

Eleksyon na NAMAN!

Narito na naman tayo sa paghalal sa mga taong mamumuno sa ating bayan. Panahon na naman ang eleksyon. May pagbabago kaya ngayon? O ganun pa din ang kahihinatnan ng ating pagboto?

Sabi nila VOTE wisely. Tamang pagboto sa tamang tao. Ang tanong ko lang, may tama ba talagang tao o lahat ng tatakbo ngayon ay talagang makatao? Hindi naman sa nawawalan ako ng pag-asa, pero sa dami ng taon pagboto ko, tila walang nagbabago sa mga taong nasa posisyon. Lahat sila gusto ng kapangyarihan. Pagkatapos mo silang iboto, parang bale wala ka na sa kanila kapag nakaupo na sila sa posisyon. Hindi nila alam o talagang nagbubulagbulagan lang sila na ang nagluklok sa kanila sa itaas ay ang taong bayan, kaya dapat lang sa taong bayan sila mag serbisyo at hindi sa iilang tao lamang na gumagamit sa kanila. Ewan ko ba, dati sabi ni ERAP , walang kaibi-kaibigan, walang kamag-a-kamag-anak pero sa bandang huli mga kaibigan at kamag anak pa din ang nanguna sa serbisyo nya,kaya ayun napatalsik sa kinatatauyuan nya. Ngayon si Gloria ganun din, daming kinasangkutang aberya dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya at gawa na din nya.

Pilipinas, kailan at sino kaya ang makakapagbago sa iyo. Gaya pa din ng dati, gaya nyo, ako ay umaasa pa din ng maging maayos ang eleksyon ngayong taon na ito at mailulok ang taong karapat dapat. Sanay wala ng dugo na dadanak at mga pandaraya na sisibol upang ang isang politiko ang manalo.

Umangat ka Pilipinas, maging maunlad ka para sa mga taong umaasa sa iyo.

TrackBack

TrackBack URL for this entry:
http://blogs.www.friendster.com/t/trackback/562502

Listed below are links to weblogs that reference Eleksyon na NAMAN!:

Comments

adik!!! ikaw na lang kaya tumakbo? wii... baka mas umunlad pa ang Pinas... ohyeah!

pansin ko lang... ang lalim ng tagalog mo!

makabayang makabayan ang dating ah! (",)

Pwede kang social studies / pilipino teacher ...

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .