Kulang sa pansin or Nagapapapansin?
Marami tayong nakikilalang tao at nakakasalamuha.May iba't ibang ugali at may iba't ibang pananaw. Maaaring hindi tayo nagkakaparehas sa ating mga nasasabi at naiisip, pero hindi ibig sabihin may karapatan na silang magmalaki o itaas ang kanilang mga sarili kung ano man ang kanilang nalalaman.
May mga bagay na minsan hindi natin maintindahan sa mundong ito, may mga bagay na nagdadala sa atin pataas o may mga taong gusto naman tayong ibaba.
Kilala mo man ako sa aking pangalan, pero hindi ibig sabihin kilala mo na ang aking katauhan. Huwag mong ipagmamalaki sa akin at ipamukha na may mas alam ka sa akin kasi hindi mo naman ako kialala ng lubusan. Maaring ngayon nasa taas ka ngunit darating din ang araw na bababa ka. Marunong akong gumalang at marunong din akong mangbastos. Kung pano ang trato mo sa akin ganun din ang itrato ko sa iyo. Maaring sa una pwede ko pang pagbigyan ang kagaspangan ng iyong pag uugali, pero pagnaputol na ang pisi huwag mo ng asahan ang magandang samahan.
Maaring noong bata ka pa, ikaw ang parating naaapi at ngayon ikaw naman ang gumaganti. Hindi ko alam kung pano ka napalaki ng iyong mga magulang. Pero hindi ako manghuhusga sa kanila kung ano ka man ngayon.
May pagkakataon na kaya ko pang palampasin ang masama mong ugali na maaaring sa iyo ito ay kasiyahan. Nawa ay patawarin ka ng mga tao mong nabiktima at ng Diyos na nasa taas sa iyo ay huhusga.
Kulang ka ba sa pansin o nagpapapansin? Ang sagot sa katanungan na ito ikaw lang ang makakapagsabi.

As i have told you .. you write well ... kita ko pa nga ang apoy ng mga salita mo habang binabasa ko ... ;-) And for the record, I think kulang sya sa pansin ... pansinin mo na kse ...
Posted by: hayley | July 3, 2007 09:01 AM