Ugaling Pinoy?!. - Part 2
Ang pangalawang kabanata ng ugaling pinoy.
Sa isang hotel sa Makati. Gaya ng sabi ko sa unang kabanata bago kami pumunta ng aming trabaho ay nag uumagahan kami sa hotel na aming tinutuluyan. Madalas na din kaming nakatigil at naging panauhin sa hotel na ito. Kung kayat halos kilala na namin ang mga mukha ng mga nag aasikaso sa umagahan, pero syempre sa dami ng taong lagi nilang nakikita ay hindi na din nila minsan matandaan kung sino na ang matagal at bago lamang sa hotel na yun.
Isang umaga, naisipan ng aking kasama na maggawa ng eksperimento. Kung gusto daw naming makilala kami ng mga tao sa nag aasikaso sa umagahan ay tingnan ko daw kung ano ang gagawin nya.Noong mga dati pa naming pagpunta as hotel na ito may napansin kaming isang lamesa na hindi pinauupuan kanino man, kungdi sa mga tao lamang na kilala nung isang nagseserve sa mga lamesa. Sa pagpasok namin sa kainan ng umagahan, ay agad kaming binati ng babaeng nasa pintuan at dinala kami sa aming lamesa. Nasambit ng aking kasama, "gusto mo ba bukas doon na tayo nakaupo?", ang sagot ko,"at pano mo naman gagawin yun?", manuod ka lang at sigurado bukas nakaupo na tayo sa lamesang yaon. Dati pa kaming may nakilala na nag aasikaso sa umagahan na yaon. Isa itong ilokano, at tama naman na ilokano din ang kasama ko. Nag uusap sila ng ilokano, pero syempre yung tipong pakonti konti lang kasi sino ba naman kami para kausapin ng matagal. Pero ang lahat ng ito ay magbabago, pagkatapos naming mag umagahan ay tinawag ng aking kasama yaong taong nakilala nya na nag aasikaso sa umagahan. Nagpaalam siya at sabay abot sa isang kamay ng kung ano man ito ay hindi ko nakita. Hindi na ako nag usisa at nagpatuloy na lamang lumabas. Ng sumunod na umaga, gaya pa din ng dati, pumunta kami sa pintuan at binati kami ng isang babaeng naroroon. Pero! yung taong aming nakilala ay nakita kami at kaagad kaming sinalubong ng may mga ngiti sa kanyang mga labi. At sya na mismo ang naghatid sa aming lamesa, pero san kaming lamesa nito dadalhin? Sumunod lamang kami sa kanya, at ako ay nagulat. Sa lamesang ito kami dinala, kung saan walang nakakaupo kundi ang mga taong kilala lamang (special guest). Naitanong ko sa aking kasama "ano ang ginawa mo?", sabi nya "pera lang ang katapat nyan". Noong umagang yaon, panay kwento sa amin ng isang taong ito na nag aasikaso. At dinalhan pa kami ng mga prutas, na kadalasan ay nauubos sa hapag kainan nila at minsan at wala kaming nakukuha. Pabalikbalik sya sa amin at panay tanong kumusta naman daw ang aming umagahan. Hangang sa makatapos kami sya ang nasa aming tabi at hinatid pa hanggang sa labas.
Ibang klase talaga ang nagagawa ng PERA. Kung dati hindi ka kilala, ngayon naman ay para ka naman nilang kaibigan. Ito na nga ba ang ugaling pinoy? O ito at natural na ugali ng isang tao kahit san man sa mundo? Pangit mang isipin pero talagang nangyayari ito. Pera lang ang katapat!

It's sad but true ... this is the way the world turns... people are driven by money...I've seen it too...
Posted by: hayley | July 3, 2007 09:03 AM